Monday, March 07, 2005

Graduation speech na astig

Got this from my yahoogroups... Graduation speech na astig... please read! This is nice..

"Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos,
mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang
estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral
sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito,
kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number na
nagsisimula sa "94" at pataas, kung lumipas ang isang
buong schoolyear at umabot ka sa 15 units na bagsak,
masisipa ka sa paaralan.

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27
units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante
sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay
kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti,
isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang
estudyanteng may-ari ng transcript na ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para
i-acknowledge ang paghihirap n gating magulang sa
pagpapaaral natin. Hindi ko din ito ginawa para
maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na
huwag umalis sa bansa at tulungan itong maka-ahon. Ang
speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na
kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil
madalas, wala talagang paki-alam ang unibersidad sa
mga achievements nila. May mga awards na gaya ng
"Summa Cum Laude", "Best Thesis Award" at "Leadership
Award." Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng
unibersidad na nagbigay ng "Hung on and managed to
graduate despite nearly getting kicked-out during his
academic stay" award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang
konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo
pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo,
tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng
unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang
ia-asenso sa buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang
dahilan. Madalas, pag ang isang estudyante ay may
pangit na marka sa paaralan, lalong-lalo na sa
kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung
tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo "Ano pa
kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman
o clerical? Ba't kasi ang bobo ko. Kung matalino lang
ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang
sikat na kumpanya."

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga
estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong
kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam
kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na
"Kaya mo yan, mag-aral ka lang..." pero alam ba natin
talaga ang sinasabi natin?

Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak
sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan.
O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang "TAKE 5 NA
KO!!!" o "Pare, magpi-PhD na ako sa
Anmath3/Calculus/etc." Pero hindi alam ng mga isang
Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal
na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang
pag-gising niya, kailangan niya na naming ulitin ang
isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.
Kahit kalian, hindi naging problema sa "Star Student"
na sabihing "Nay, bagsak ako." at hindi kailanman
sumagi sa isip nila na "Paano kaya kung sa
walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?"
Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.

Huwag na tayong maglokohan. Grades are
everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi
magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh
graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman,
nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi
ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung
hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang
makaa-abot sa prestihiyosong posisyon.

Kaya ngayong graduation, ang speech na ito
ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumpagpak,
muntik-muntikanan nang masipa o yung lahat ng paraang
pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong
patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw
lang.Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo
kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka
nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa
pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na
harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito
magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang
transcript mo, taas-noo ka pa rin ngayong graduation
at proud na proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates
pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung
pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo
naming me patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa
mga lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na
trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka
makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang
pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa.
Kung nung college, nagtiyaga kayo e...ba't titigilan
niyo yung pagti- tiyaga

ngayon? Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita
mo sa kanila na kung sipagin ka lang, malayo ang
mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na
kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot
nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako. I've
been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at
muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na na
umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko
na na masumbatan ng magulang, kapatid at kung
sino-sino pang propesor na walang pakialam sa
pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi
makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko
na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na
naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo. Akin ang
transcript na ito.

Pagkagraduate ko ng college, ano ang
ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral
ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa
trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili
ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad
lang ako.

This is a rebellion. I raise my middle
finger to every professor, over-achiever, naysayer and
detractor that told me that I can't make it. I raise
my middle finger to every valedictory or graduation
speech that only gratifies the university, those who
were achievers in school or those who gratify the
country when it's supposed to be the graduate's moment
of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE.
Even those who failed many times.

Kaya sa inyong mga graduates na medyo
hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya
ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi."
--isa ako sa manuggraduate na law-ay transcript... tama mga gin hambal diri na ang mga laude wala kafeel kung paano mabagsak...kung ano ang feeling na gina-dread mo na ihambal sa parents mo na bagsak ka...kung paano mafeel na indi sigurado sa future...kay most companies gina tan-aw gid ang grades...La-in gid ang mga may nabagsak na..pursigido gid na magraduate..bisan pila pa katu-ig nga ara sa eskwelahan, pero ang goal na makagraduate, ara gihapon, gakadiscourage and dishearten man diutay... gapursigi gid na makatapos... Hay.. oo, iamin ko na natouch gid ako sa speech na ini... kay tu-od mo!!!

2 comments:

Unknown said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Unknown said...

A failing mark says little of who we are. :) What's important I guess is after the fall, we are able to stand up (and of course that's with poise!).